Linggo, Disyembre 9, 2012

GDP

GDP- pangkalahatang kita ng Pilipinas mapalabas at mapaloob ng bansa.

GDP

GDP- pangkalahatang kita ng Pilipinas mapaloob at mapalabas ng bansa.

Martes, Enero 17, 2012

3 idiots-suring pelikula

I.             Pamagat:            3 IDIOTS
II.          Tauhan:
a.    Aamir Khan bilang si Ranchoddas "Rancho" Shamaldas Chanchad / Phunsukh Wangdu – gumanap na bida at siya ang pinakamatalino sa lahat
b.    Kareena Kapoor bliang si  Pia Sahastrabuddhe- anak ni Virus na kasintahan ni Rancho
c.     R. Madhavan bilang si Farhan Qureshi- kaibigan ni Rancho na mahilig sa larawan
d.    Sharman Joshi bilang si Raju Rastogi-  kaibigan ni Rancho na relihiyoso at mahirap
e.    Boman Irani bilang si Viru Sahastrabuddhe (Virus)- terror na professor at director sa eskwelahan
f.     Omi Vaidya bilang si Chatur Ramalingam (Silencer)- sipsip na estudyante at si Rancho ang mahigpit na kalaban niya
g.    Rahul Kumar bilang si Manmohan "MM" aka Millimeter- isang boy sa eskwelahan nagging kaibigan niya rin sila Rancho

III.        Kwento:

Ang pelikulang  “3 Idiots”  ay gawa sa bansang India. Ito ay kwento ng buhay kolehiyo ng tatlong magkakaibigan na ang kurso ay mechanical engineering na nag-aaral sa Imperial College of Engineering.
Ang pinakapinuno ng kanilang barkada na si Rancho ay napakatalino at positibo ang pananaw. Si Raju ang relihiyoso sa kanilang tatlo. Ang  pamilya ni Raju ay mahirap lamang at ang tatay niya ay may sakit ngunit sa kabila nito, nandun pa rin yung determinasyong makapagtapos ng pag-aaral  at makatulong sa kanilang pamilya. Si Farhan ay pinilit lamang ng kanyang  ama na kumuha ng kursong mechanical  engineering ngunit photography ang hilig niya.
Para kila Raju at Farhan, napakahirap ng buhay nila bilang isang kolehiyo sapagkat nariyan ang kanilang director na binansagan nilang “Virus” na pumipiga sa kanila at ginagawang masalimuot ang buhay kolehiyo lalo na sa kanilang kurso. Ngunit salamat kay Rancho sapagat lagi siyang nariyan upang tulungan ang kanyang kaibigan. Gayon na lamang ang pasasalamat nila kay Rancho sapagkat sa bandang huli ay nakamit nila ang kanilang nais.

IV.         Banghay ng Pangyayari:

Si Rancho ay isang alipin lamang ngunit dahil sa kanyang katalinuhan, pinag-aral siya ng kanyang amo kapalit ng kanyang degreeng natapos o katibayan na nakapagtapos sa magandang paaralan. Pagkapasok pa lamag ni Rancho sa ICE , halos lahat na ng bagay sa kanya ay madali sapagkat kapag may dumarating na problema,nasasambit niya ang katagang “All Is Well”. Nakilala niya ang kanyang mga kaibigang sina Raju at Farhan dahil pareho sila ng kwartong tinutulugan. Nagkaroon ng  hidwaan sa pagitan ng grupo nila Rancho at ng kanilang professor na si Virus sapagkat tutol sila sa pamamalakad nito. Nguit sa isang kasiyahan ay nakilala ni Rancho ang anak ni Virus na si Pia na kanya naman itong inibig. Nang malapit na sila makapagtapos, nagkaroon sila ng kasunduan ang tatlong magkakaibigan na sundin nila kung ano ang tinitibok ng kanilang puso o gawin ang kung anong ibig nila. Kaya’t sinikap ni Raju na mag-aral at makapagtapos , at siya’y nakahanap ng trabaho. Si Farhan naman ay nakiusap sa kanyang ama na suportahan na lamang siya sa nais nitong trabaho at nagtagumpay siyang kumbinsihin ang kanyang ama na maging isa na lamang siyang wildlife photographer. At kay Rancho…  wala ng balita. Ngunit nang hinanap nila ito, nalaman nila ang tunay na pagkatao ni Rancho na ang tunay na pangalan ay “Punsukh  Wangdu” na isa ng sikat na scientist.

V.           Paksa/ Tema:

Ang pag-iisip ng positibo ay isang magandang ugali ng tao.
Ito ang ugali na makikita sa ating bida na si Rancho. Kahit na maraming problema ang dumarating, naroon pa rin yung pananaw niya na masosolusyunan ang lahat.
Kagaya ng isang estudyante na maraming pressure sa pag-aaral, kailangan nandun pa rin yung pagiging positibo sa lahat ng bagay. Ika nga “ All Is Well”.

VI.         Cinematograpo:

Napakahusay ng pagkakagawa sa “3 Idiots”. Sinuman ang makakapanuod nito ay hinding hindi ito malilimutan sapagkat hindi lang ito maganda kundi kapana panabik din. Hindi man ganoon kaayos ang pagkakasunod-sunod sapagkat ito ay flashback lamang ngunit madali naming intindihin. Angkop sa lahat sapagkat wala naming masamang eksena , ito ay magandang panuorin lalo na sa mga estudyante. Maganda na nilapatan nila ng musika sapagkat napapasabay ang mga manonood.
VII.      Mensahe:

Huwag ispin lamang ang problema, isipn mo agad kung paano itomareresolba. Kung hindi man maresolba, huwag mawalan ng pag-asa sapagkat ang lahat ay magiging maayos rin.